walang halaga
hello, hello. two days nang ala kuryente. hehe. buti na lang dito sa bulacan meron.
share ko lang mga naiisip ko. (from experiences, from sudden thoughts)
Maraming mga may-kaya/mayayaman/elite ang nagnanais pang makakuha ng mga iba’t ibang magagarang gadgets/bagay tulad ng bagong cellphone, sapatos, ipod, mp3, laptop o kaya’y kotse. totoo, diba? ‘pad ‘di nakuiha ang gusto, magtatampo, magdadabog, magcocomplain sa kaibigan o sa parents.
Maraming taong may reklamo sa buhay. Malamok sa ganyan, mahirap yung exam, matraffic, sobrang init at sang katutak pang hinanakit sa buhay.
yang mga yan, hinanakit ng may-kaya, mayayaman o mga elite.
ano ang hinanakit ng mahihirap? ano ang kagustuhan ng mga walang pera?
simple lang. kagustuhang makakain ng tatlong beses isang araw. gumising mula sa pagkakatulog na hindi proproblemahin ang kakainin. mabusog sa bawat butil ng kanin na hinahain ni nanay. makapag-aral. magkaron ng tirahan.
ilagay nyo ang sitwasyon nyo sa mga taong ganyan ang nararanasan. mahirap. at kung kamag-anak man kayo ng taong nakakaranas ng ganyan, masakit, mahirap. makikita mo na lang silang nanghihingi ng pagkain. sasabihing hindi pa sila nanananghalian. maaawa ka. maiisip mo na luho lang lahat ng nakapaligid sayo; ang cellphone, sapatos, mp3 at laptop. pero di pangangailangan. maswerte ka. di mo nararamdaman ang naramdaman ko nang makakita ako ng ganun. pasalamat ka, maayos buhay mo. nakakakain ka. may mtutulugan. yun lang, sapat na.
ayoko nang bumalik sa lugar na to. nasasaktan lang ako bawat panahong nakikita ko sila. nasasaktan lang ako bawat minutong naiisip kong wala akong magawa para sa ikabubuti nila. nasasaktan lang ako kung pano ako nagiging ‘inutil’ sa kalagayan nila. nasasaktan akong tanggapin ang katotohanan. naaawa ako sa mga batang yon. nasasaktan ako.
gulo na ng sinusulat ko.
basta.
pahalagahan mo kung anong mayroon ka. maraming batang di nakararanas nyan.
October 17th, 2006 at 3:19 pm
Na-guilty ako…