‘di ko talaga alam

player. makapagsulat nga tungkol sa mga players. hindi player ng basketball, volleyball o ano pa mang sports ang pwede niyong maisip. yung gusto kong talakayin ‘e yung mga taong nabuhay para mangloko at manakit ng kapwa. bakit nga ba sila tinawag na player?… ‘di ko rin alam. nauso na siguro yung terminolohiyang iyon na wala pa ‘ko sa mundo. ewan ko rin. players kasi alam nila kung paano laruin ang game. paano makipagharutan. paano paikutin ang kalaban. paano lituhin. paano pahulugin. paano lokohin. paano takbuhan pagkatapos ng lahat. paano nila natitiis yung mga pinaggagawa nilang yun? aba. ‘di ko rin alam. siguro sanayan lang. siguro natutuwa silang may nakikita silang nasasaktan nila. na uniiyak para sa kanila. yung tipong hahabulin sila pagkatapos ng lahat ng kawalangyaang ginawa nila. ‘di ko alam. o baka… yabangan din yun. pag maraming taong nahuhulog para sa’yo, wow, magaling ka. mabangis nga sabi nila. sabagay. sino ba naman ang may ayaw na masabihan ng "yan.. mabangis yan sa chix.." o kaya… "daming lalaking humahabol jan"…  ‘di ko pa rin lam kung iyon ang rason nila. pero sa kabila ng mga iyon, naisip ba ng mga humuhusga sa mga ‘players’ ang dahilan kung bakit sila ganoon? aba. ‘di ko rin alam. ‘di naman ako ang buong mundo. Siguro naging players sila dahil nasaktan din sila ng sobra. siguro naranasan na nilang maiwanan. at ang nang-iwan na yon, sobrang mahal nila. siguro naranasan na nilang maging mag-isa. siguro ayaw na nilang maranasan iyon. siguro ‘di na nila alam kung paano uli magmamahal ng tapat sa isa lang, ‘di na alam kung paano ibibigay lahat ng pagmamahal. dahil alam nila, pag binigay nila ang lahat, sa huli, sila ang WALA. sila ang luluha. sila ang masasaktan. sila ang mapapariwara. ayaw lang siguro nila maransan itong tatlong ‘to. sino ba naman ang gusto makaramdam niyan. ikaw, gusto mo?

meron namang iba na gusto na magbago. ayaw na matawag na ‘player’. siguro kasi nakahanap na sila ng katapat.  siguro handa na uli silang magmahal uli na kaya na nila uli ibigay ang lahat. alam niyo ba kung gaano kasakit yung tawaging player sa harap ng mahal mo? yung tipong alam niyang nagbabago ka na, tapos biglang hirit tong kaibigan mo, player ka raw. timpi na lang. masasapak mo na yung kaibigan mong iyon. alam niyo rin ba kung gaano kasakit yung nagbabago ka na, tinatanggal mo na yung karatulang ‘player’ sa noo mo, e hindi ka pa rin paniniwalaan? tipong ang lahat ng pagpupursige mong mabago ang image mo eh hindi pa rin nila naaappreciate. sabi pa nga nung isa, "work on it". aba, sino bang hindi kumikilos? sino bang di nagbabago? alam niyo ba ang pakiramdam ng lahat ng nabanggit? aba. ‘di ko rin alam.

sa tingin ko, ang karatulang "player" na nakalagay sa noo ng sinoman ay hindi social status. ito ay isang kahihiyan. kahihiyang dadalin mo san ka man magpunta. hindi ka sikat. oo, hindi ka sikat. di mo lang alam… asa ka.

kung sino ang may mga bansag na players? aba. ‘di ko alam.

wag kayo maniwala sa aking isinulat. lahat ng ito ay pawang haka-haka lamang.

kung bakit ito ang isinulat ko, di ko rin alam.

Leave a Reply