Archive for April, 2006

‘di ko talaga alam

Thursday, April 13th, 2006

player. makapagsulat nga tungkol sa mga players. hindi player ng basketball, volleyball o ano pa mang sports ang pwede niyong maisip. yung gusto kong talakayin ‘e yung mga taong nabuhay para mangloko at manakit ng kapwa. bakit nga ba sila tinawag na player?… ‘di ko rin alam. nauso na siguro yung terminolohiyang iyon na wala pa ‘ko sa mundo. ewan ko rin. players kasi alam nila kung paano laruin ang game. paano makipagharutan. paano paikutin ang kalaban. paano lituhin. paano pahulugin. paano lokohin. paano takbuhan pagkatapos ng lahat. paano nila natitiis yung mga pinaggagawa nilang yun? aba. ‘di ko rin alam. siguro sanayan lang. siguro natutuwa silang may nakikita silang nasasaktan nila. na uniiyak para sa kanila. yung tipong hahabulin sila pagkatapos ng lahat ng kawalangyaang ginawa nila. ‘di ko alam. o baka… yabangan din yun. pag maraming taong nahuhulog para sa’yo, wow, magaling ka. mabangis nga sabi nila. sabagay. sino ba naman ang may ayaw na masabihan ng "yan.. mabangis yan sa chix.." o kaya… "daming lalaking humahabol jan"…  ‘di ko pa rin lam kung iyon ang rason nila. pero sa kabila ng mga iyon, naisip ba ng mga humuhusga sa mga ‘players’ ang dahilan kung bakit sila ganoon? aba. ‘di ko rin alam. ‘di naman ako ang buong mundo. Siguro naging players sila dahil nasaktan din sila ng sobra. siguro naranasan na nilang maiwanan. at ang nang-iwan na yon, sobrang mahal nila. siguro naranasan na nilang maging mag-isa. siguro ayaw na nilang maranasan iyon. siguro ‘di na nila alam kung paano uli magmamahal ng tapat sa isa lang, ‘di na alam kung paano ibibigay lahat ng pagmamahal. dahil alam nila, pag binigay nila ang lahat, sa huli, sila ang WALA. sila ang luluha. sila ang masasaktan. sila ang mapapariwara. ayaw lang siguro nila maransan itong tatlong ‘to. sino ba naman ang gusto makaramdam niyan. ikaw, gusto mo?

meron namang iba na gusto na magbago. ayaw na matawag na ‘player’. siguro kasi nakahanap na sila ng katapat.  siguro handa na uli silang magmahal uli na kaya na nila uli ibigay ang lahat. alam niyo ba kung gaano kasakit yung tawaging player sa harap ng mahal mo? yung tipong alam niyang nagbabago ka na, tapos biglang hirit tong kaibigan mo, player ka raw. timpi na lang. masasapak mo na yung kaibigan mong iyon. alam niyo rin ba kung gaano kasakit yung nagbabago ka na, tinatanggal mo na yung karatulang ‘player’ sa noo mo, e hindi ka pa rin paniniwalaan? tipong ang lahat ng pagpupursige mong mabago ang image mo eh hindi pa rin nila naaappreciate. sabi pa nga nung isa, "work on it". aba, sino bang hindi kumikilos? sino bang di nagbabago? alam niyo ba ang pakiramdam ng lahat ng nabanggit? aba. ‘di ko rin alam.

sa tingin ko, ang karatulang "player" na nakalagay sa noo ng sinoman ay hindi social status. ito ay isang kahihiyan. kahihiyang dadalin mo san ka man magpunta. hindi ka sikat. oo, hindi ka sikat. di mo lang alam… asa ka.

kung sino ang may mga bansag na players? aba. ‘di ko alam.

wag kayo maniwala sa aking isinulat. lahat ng ito ay pawang haka-haka lamang.

kung bakit ito ang isinulat ko, di ko rin alam.

nonsense.

Tuesday, April 11th, 2006

it’s 7:15 in the morning. i’m having a private message with alyssa, of course on ym. She’s in london. aba. londogueƱa na ang preseidente namin. malamig daw dun. tinanong ko pa kung kumusta mga boys dun. gwapo raw. yung rides din. kakatanggal daw talaga ng bituka. gusto ko rin makapaunta dun. nagtanong ako kung paano makapunta dun. madali raw kunwari tourist. tapos fixed marriage. ayus. 25,000 pounds naman ang bayad. 1 pound = 100 pesos. nakaw. bumalik ka na lang ng pinas. hay. humina ata ako sa economics/history/ap/civics nung tinanong ko yun. mas maganda kung sigurado. hehe. magtanong ka na sa may alam talaga, wag na magmarunong. hehe.walang kwenta ata ‘tong sinusulat ko……

ibang topic naman….

ang saya nung monday. ayus. hehe. kasama sila chard, riel, moya sa bahay nila ellein. ang saya. may na-op. hehe. may naligo ng sabay sa bagong banyo nila ellein. may nagkulong sa bodega. at may naiwan. hehe. ang saya talaga.

ang saya rin nung tuesday. ayus. hehe. dalawa lang. hehe. nasolo kumbaga. may bago kaming nadiscover na ano. ang hot. hehe. ang saya talaga. sana maulit..

teka.. yung splash island.. tuloy kaya? hehe. ang mga classmates ko, magaling na rin magplano. dati laging ako. ngayon may pakialam na rin sila. palibasa…. may mga kasama ring mahal sa buhay. hehe. cge… dito na lang…

sana mabasa mo to.

Saturday, April 8th, 2006

eto. sabi ko magpopost ako. yung maganda. ngayong nakaharap na ‘ko sa pc, wala na ako mailagay. hai. nakalimutan ko rin kung ano ba dapat ang ilalagay ko. eto na lang. ‘tong blog na ‘to ‘e para sa pinakaimportanteng tao sa ‘kin ngayon… <uyy.. sino yun? hehe. kilala mo na kung sino ka.>

salamat. sa lahat. sa PAG-INTINDI sa mga pagkakamali. sa mga pagkukulang. sa mga pagsigaw ko. pag-init ng ulo. pagiging makasarili. pagiging insensitive. salamat, sobra. kinumpleto mo buhay ko. drama ba? hehe. totoo. madrama akong tao. kung bakit? siya lang nakakaintindi nun. salamat sa pagtanggap ng pagiging madrama ko. salamat sa binigay mong tatlo pang pagkakataon. tatlong beses na tayo nagbreak. salamat, sa 3 chances. buti hindi ka nakinig sa kanila, nung sinabi nilang "once is enough, twice is too much". salamat talaga. buti na lang maunawain ka. pasalamat ako, ikaw ang mahal ko. pano na pag yung iba. sabi mo nga dati, hindi na ko magiging masaya sa’yo, mas magiging malaya ako pag naghiwalay na tayo. Pero eto sasabihin ko sa’yo, hindi na ‘ko makakahanap ng tulad mo. binigay mo na ang lahat ng freedom sa’kin. ako lang ang umabuso. hindi ako nasasakal sa’yo. kahit kailan, hindi ako nasakal. tama lang ang ginagawa mo, hindi sobrang paghihigpit. pero may isang bagay na sobra mong ibinigay. eto ako ngayon, nananalangin. sana hindi mabawasan kahit konti yung sobra na yun. sana hindi mabawasan yung sobrang pagmamahal na binigay mo sa’kin. sa bawat paggising ko, nakasanayan ko nang maramdaman yun. salamat sa’yo. ikaw lang nagpadama sa’kin nun. salamat, sa sobrang pagmamahal na bingay mo sakin.

Sorry. sa lahat uli. kung tutuusin, yung mga dapat kong ihingi ng tawad eh yung nasa ’salamat’ part. bakit ko inihiwalay tong sorry? kasi alam ko, may mas dapat akong ihingi ng tawad. sorry, sa hindi-ko-mabilang-na-pagkakataon, nasaktan na naman kita. sana hindi ko na uli maririnig sa’yo yung "sorry na naman", "you’re not sorry". napakasakit nun. <langya, angel ang background music. naiiyak na ko. ayun, pumatak na.> kilala mo ‘ko. mataas din ang pride ko…pero sa ibang tao. alam mong hindi ako nagsosorry agad-agad. sana ‘wag mong babalewalain yung mga pagsosorry ko. sa’yo lang ako nagbaba talaga ng pride. sa’yo lang. kasi mahal kita. mahal na mahal kita. sorry, nasaktan kita ah. i’m sorry. your boink is sorry… sorry rin sa two promises na nasira. pero ayaw ko pa rin maniwala na promises are made to be broken. ayoko talga. patuloy akong mangangako sayo, mahal ko. patuloy pa rin kahit may mga nasira na. basta gagawa ako ng paraan, wag lang uli masira yung mga yun. i’ll be working on it. natupad ko na yung isang pangako ko. nasaktan kita ng sobra noon. nangako akong di ko na uulitin, kaya eto, hindi ko na inuulit. ayokong masaktan ka. kaya bigyan mo uli ako ng isang pagkakataon, paniwalaan mo sana ako sa sinabi ko, hindi na kita ipagpapalit ‘doon’. pangako.

humihingi rin ako ng tawad sa mga kaibigan niya. Avianne, Jen, i’m so sorry. nasaktan ko na naman ang kaibigan niyo.  hindi na mauulit. pramis.

mahaba na ata ‘tong nasulat ko. ang gusto ko lang mangyari eh patuloy pa rin tayong maglakad papunta doon. lam mo na kung saan yun. kaw lang ang nakakaalam. at kaw lang ang gusto kong kasama pagpunta dun. wala nang iba. sana hindi na kita masaktan. dahil nung nasaktan ka, nasaktan din ako. totoo to. lam mo kung ano dinaranas ko ngayon. pero sabi ko sayo, walang sayang na luha basta ikaw ang dahilan. hindi mo ko pinapatay, baka iyon ang iniisip mo. lagi mong sinasabi "bakit ka ba iyak ng iyak?".. ngayon ,eto, sasagutin ko. iyak ako ng iyak sa bawat oras na maiisip kong mawawala ka sakin sa ikawalang pagkakataon. ayoko na mangyari yun. naranasan ko na. kaya eto, magbabago ako. babalik na ako dun sa pauline na minahal mo noon. babalik na ako, para sayo. babalik ko na yung lambing na nararamdaman mo noon, yung mga uwi ko sayo, lahat, pwera lang yung mga masasamang ugali na nakasakit sayo. babalik na ‘ko dun, mahal ko. babalik ako dun, ngayon na.

PANGAKO.